top of page
Search
  • BULGAR

Tiwaling barangay official, tuluyan!

ni Ryan Sison - @Boses | August 12, 2020



Hindi pa rin tapos ang pagpaparusa sa mga barangay official na sangkot sa anomalya sa sa pamamahagi ng cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).


Kaugnay nito, nakatakdang isailalim sa preventive suspension ang 50 barangay officials dahil sa anomalya. Sila ay kabilang sa 155 inireklamo ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kung saan 13 ay mula sa Metro Manila, 13 rin sa Ilocos, 10 sa Cagayan Valley, 3 sa Central Luzon at 11 mula sa Calabarzon.


Ang mga reklamo laban sa mga opisyal ng barangay ay malversation, corruption, estafa at iba pang graft-related anomalies at ngayong linggo, inaasahang maglalabas ng preventive suspension order ang Office of the Ombudsman habang ginagawa ang imbestigasyon sa kaso.


Hindi pa tapos ang pandemya, heto at may panibagong mga opisyal na naman ang masasampolan.


Nakadidismaya dahil kahit may mga babala at paalala, ‘di pa rin nawawala ang mga ganitong klase ng opisyal. Lingkod-bayan kuno, pero ‘di naman paglilingkod sa bayan ang pakay. Tsk!


Tama lang na suspindehin ang mga opisyal na ito. Hirit pa nga ng iba, ituluyan na para madala at ‘di tularan ng iba.


Pinagkatiwalaan kayo ng taumbayan, tapos ganito ang igaganti ninyo?


Panawagan sa mga awtoridad, patuloy na panagutin ang mga dapat managot, lalo na silang nagbulsa ng perang nakalaan para sa masa.


Sa gitna ng pandemya, mas pinili n’yo ang pansarili ninyong interes kesa maging makatao at ipakitang karapat-dapat kayo sa puwesto.


Panahon na para linisin ang hanay ng mga lingkod-bayan. Simulan ito sa bara-barangay at sibakin sa serbisyo kung kinakailangan.


Protektahan ang taumbayan laban sa tiwaling opisyal.

 

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com6

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page