Search
  • BULGAR

Titser na pusher, huli sa buy-bust

@Balitang Probinsiya | June 28, 2020



BUKIDNON—Inaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya ang isang public school teacher kamakalawa sa Bgy. Kibangay, Lantapan.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Arnel Alon, nakatira sa naturang barangay.


Nabatid na nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng droga ni Alon ay agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.


Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng isang sachet ng shabu at P500 markadong pera sa pag-iingat ng suspek.


Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.