Search
  • BULGAR

“Tisay” na tigasing opisyal ng Customs, walang bawal-bawal sa pagpasok ng ukay-ukay...

hindi mapalagan ng ibang opisyal dahil solid ang “panlagay” kay boss, hmmm…

ni Chit Luna - @Yari Ka! | June 26, 2020



Sa kabila ng pagbabawal ng pagpasok ng mga ukay-ukay sa bansa dahil sa banta ng COVID-19 pandemic, aba’t hindi pala nito kayang pigilan ng mga tiwaling opisyal sa Bureau of Customs?


Meron silang tigasing opisyal na kahit siya ay babae, walang makakaharang sa kanyang kalokohan. Kahit sino pa raw ang kanyang boss ay hawak niya ito sa leeg kasi may “panlagay” siya.


Sa sobrang kaputian ng balat nito, “gluta lady” o “Tisay” ang bansag sa kanya. Pero sa kabila ng kanyang makinis na kutis at porselanang balat, hindi mo akalaing ang galing niyang magmaniobra ng mga dokumento. ‘Ika nga, walang sabit kung tumirada sa mga palusot! Wow, ang galing-galing mo naman, Tisay!


Ang malupit, alam daw ng mga opisyal ng Customs ang mga kalokohan ng ating bida. Pero tikom ang kanilang bibig dahil malaking tao raw ang nasa likod niya, may ganu’n?!

Heto pa, kahit sino raw ang maupong commissioner ay hindi siya matinag dahil maging si boss ay kaya niyang paikutin. Malupit naman pala!


Well, hirit nga ng mga kanyang katoto, “Ibang klase ang magic nitong si Tisay!”

Ang masaklap, may balita rin na ilang tirador nila ay infected o COVID-19 positive dahil sa patuloy na pagproseso ng bilyones na ukay-ukay shipments, grabe naman!

Same issues, talamak sa tara at pagpapalusot ng mid-declared shipments at bidang-bida rito si Tisay, na ang papel ay tara collector na kahit work from home ang mga seniors na tirador ay tuloy pa rin ang kanilang collection. Magagaling talaga kayo, ha? Tsk-tsk-tsk!

May simpleng diskarte sila — gumagamit sila ng job order employees bilang tara collection.


Tigas talaga! In fairness sa basurang galawan ng mga kolokoy, hindi raw ito alam ni Mr. Commissioner. Weh?! Malaking kalokohan!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.