Search
  • BULGAR

Testing ng 302, 16 na NBA Players, positive sa COVID-19

ni MC - @Sports | June 28, 2020




Nagpositibo ang 16 na NBA players sa coronavirus disease, ayon sa unang wave ng mandatory tests na isinagawa ng liga at ng National.Baaketball Players Association noong Biyernes bilang paghahanda sa darating na pagsisimula ng season sa Hulyo.


Ang nasabing 16 na players ay bahagi ng 302 pool players na sinuri noong Martes, parte ng 5.3% rate na positive tests sa buong liga.


Ayon kay NBA Commissioner Adam Silver, ang bilang ay tiyak nang inaasahan pero wala namang seryosong karamdaman ang 16 na mga ito.


"One thing we're learning with this virus is, so much is unpredictable," saad ni Silver sa Friday conference call ng NBPA ni executive director Michele Roberts at NBPA president Chris Paul. "We're not saying full steam ahead no matter what happens. We all talk daily, and we're gonna see how this continues to play out. But we feel very comfortable right now with where we are."


Ang mga players na nagpositibo ay nanatiling nasa self-isolation hanggang sa matapos niya ang quarantine period at puwede nang lumabas kapag iniutos ng doktor.


Hindi na inilabas ang pangalan ng 16 na players, bagamat unang umamin ang tatlo na sina Malcolm Brogdon ng Indiana Pacers, at ang magka-teammates na sina Jabari Parker at Alex Len ng Sacramento Kings na nagpositibo sa COVID-19.


Ang NBA season ay nakaiskesyul na maglaro sa Hulyo 30 kung saan may 22 teams ang lalahok sa Orlando, Florida.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.