Search
  • BULGAR

Tameme nu'ng una sa katabaan, rumesbak na… ANGEL, NAG-POST NG PIKTYUR NA BIGLANG PAYAT

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | June 26, 2020




Marami ang ginulat ni Angel Locsin nang mag-post siya ng latest picture sa kanyang Instagram account kahapon kung saan sa caption ay sinabi niyang nasa field work siya para sa bago niyang show sa ABS-CBN, ang Iba Yan.


Ilang araw pa lang kasi nang kumalat ang picture ni Angel sa socmed na mala-Dabiana siya sa katabaan at 'di nga nalalayo ang katawan kina Megastar Sharon Cuneta, Karla Estrada at Nadia Montenegro.


Pero sa ipinost ni Angel kahapon na picture niya, mas payat na siya kesa ru'n sa kumalat na sobrang taba niya. Kaya naman, iniisip namin ngayon kung edited lang ba ang mga naturang larawan kung saan pinalabas na sobrang taba ang aktres?


Matatandaang nanahimik si Angel nang kumalat ang nasabing picture na mataba siya at hindi pinatulan ng aktres ang mga nanlalait sa katawan niya.


At sa halip nga namang isa-isang sagutin ang mga bashers, pinakamagandang paraan na nag-post na lang siya ng kanyang latest photo para patunayang hindi siya masyadong mataba kumpara sa unang kumalat na larawan niya.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.