top of page
Search
  • BULGAR

Takot sa COVID, ayaw mag-shooting… AGA, ATRAS SA MMFF 2020

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | July 24, 2020




Kasalukuyang nasa vacation house nila sa Batangas si Aga Muhlach kasama ang mag-iina niyang sina Charlene, Atasha at Andres at walang planong maglalabas, base na rin sa kuwento ng manager ng aktor na si Ms. Ethel Ramos.


Kaya hindi mapapanood si Aga ngayong Metro Manila Film Festival 2020, taliwas sa huling panayam sa kanya na gagawa ulit siya ng pelikula para sa MMFF.


Nalaman namin ito dahil tinanggihan ng aktor ang offer sa kanya ng kilalang movie outfit kasama ang sikat na aktres na nakasama na rin niya sa isang pelikula na produced ng Star Cinema.


Kuwento pa ni Manay Ethel, “Gustung-gusto ni Aga pero next year na raw siya magmu-movie. Ayaw niyang maglalabas ngayon because of this Covid-19, nakakatakot naman talaga.”


Sabagay, kumota naman na si Aga nu’ng 2019 dahil naka-dalawang pelikula siya, ang Nuuk na kinunan sa Greenland kasama si Alice Dixson at ang Miracle in Cell No. 7 nu’ng 2019 Metro Manila Film Festival.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page