top of page
Search
  • BULGAR

Takot kuno ang mga botante sa COVID-19, ginawa pang dahilan magka-‘no elections’ lang, pwe!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | September 26, 2020



HINDI TAKOT BUMOTO ANG MGA BOTANTE, PERO TAKOT ANG MGA PUULITIKO NA MATALO—Iminungkahi ni Pampanga Rep. Mikey Arroyo na ipagpaliban ang Presidential, national at local elections sa 2022 dahil karamihan sa mga nakausap niyang botante sa kanyang distrito ay takot bomoto dahil sa COVID-19.


Ganu’n? Eh, baka naman ang mga pulitikong nasa poder ngayon ang takot matalo sa eleksiyon kaya ginagawang dahilan ang pandemya para manatili pa sila sa puwesto sa pamamagitan ng no-el o no elections sa 2022? Pwe!


◘◘◘


3 BESES NAKANSELA ANG BGY. AT SK ELECTIONS, BAKA GANYAN DIN ANG MANGYARI SA 2022 ELECTIONS—Ayon sa mga opisyal ng Comelec, wala sa kanilang kapangyarihan ang pagkansela ng eleksiyon kundi nasa pagpapasya ni P-Duterte at ng Kongreso.


Dahil sa sinabing ‘yan ng Comelec, posibleng wala na namang maganap na eleksiyon sa 2022 kasi tatlong beses nang ginawa ng Duterte gov’t. at mga kaalyado niya na i-postponement ang barangay at SK (Sangguniang Kabataan) elections noong October 2016, October 2017 at May 2020, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


KAPAG IDINAAN SA KOREO ANG PAGBOTO NG MGA SENIOR CITIZENS, MAY GARAPALANG DAYAAN NA MANGYAYARI RIYAN—May ilang lawmakers ang nagsusulong na idaan sa koreo (mail) ang gagawing pagboto ng mga senior citizens sa Presidential, national at local elections sa 2022.


Nakupo, tiyak may garapalang dayaan mangyayari riyan kasi baka pati ang mga senior citizens dead na ay makapagpadala ng sulat sa Comelec para bomoto, boom!


◘◘◘


WALANG PANG-AYUDA, PERO MAY PAMBILI NG PRESIDENTIAL PLANE WORTH P2-B—Sabi ni P-Duterte noong Agosto 2020, nang magdeklara siya ng dalawang linggong MECQ, base sa kahilingan ng mga health workers sa Metro Manila, Cavite, Rizal, Laguna, Batangas at Bulacan ay wala na raw pang-ayuda ang kanyang gobyerno sa mga mahihirap na residente sa mga lugar na ito.


Wala na raw pang-ayuda, pero kamuka’t-mukat n’yo, bumulaga ang presidential plane na binili ng Duterte gov’t. sa halagang P2 bilyon, buwisit!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page