Search
  • BULGAR

Tablet na inihatid ng J&T Express, crack ang screen

Updated: Jun 26

ni Twincle Esquierdo - @News | June 25, 2020




Nagreklamo ang isang buyer dahil sa umanoy cracked ang screen ng tablet na inihatid ng J&T Express Kamakailan lamang ay nag-viral ang video na itinatapon ng mga empleyado ang mga pakete. Ayon sa report ni Ivan Mayrinas ng 24 Oras sinabi ni Mirasol Oquendo na hindi ito nagulat sa estado ng kanyang tablet kung ganu'n ang ginawa ng mga empleyado sa mga pakete. “Naka-bubble wrap naman po ’yan, hindi naman mababasag ’yan kung hindi nila hinagis-hagis. Napabayaan po nila ’yun,” sabi ni Mirasol Sa statement ng J&T Express ay ipinangako nitong mananagot kung sino man ang may mga kasalanan dito. Dagdag pa nito “We have already identified all the involved personnel in the video. Proper sanctions will be given to them accordingly,”

“All of our facilities including our branches and warehouses across the country are under 24/7 strict monitoring. We also follow strict protocols in handling the shipments and ensure that these are handled with proper care,” aniya

Samantala sinabi ni Department of Trade and Industry sa mga item na naihatid at nasira maaaring magreklamo ang mga mamimili sa nagbenta pagkatapos ito ay magrereklamo sa kumpanya.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.