Search
  • BULGAR

Taas-presyo ng mga pang-Noche Buena, pinag-aaralan

ni Ronalyn Seminiano Reonico | October 17, 2020




Pag-uusapan na ng mga opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga produktong pang-Noche Buena upang mapagdesisyunan kung alin sa mga ito ang magkakaroon ng pagtaas ng presyo.


Pahayag ni DTI Secretary Ramon Lopez, “Ito pong darating na linggo, maaaring ma-finalize namin.


Actually, nagtawag nga ako ng meeting ulit next week, itong darating na linggo, itong week na ‘to, para madesisyunan kung ano man, kung sino man ang papayagan natin diyan.”


Ayon din kay Lopez, normal lang na mag-request ang ilang negosyante ng price increase tuwing sasapit ang Pasko kaya pinayuhan niya ang publiko na piliing mabuti ang brand ng produktong bibilhin para sa Noche Buena.


Aniya, “Nakita naman natin ‘pag Pasko, may mga promo pa, may naka-bundle-bundle riyan. Ang advice natin sa consumer, pumili sila ng 'ika nga, value for money, ‘yung sulit, 'ika nga.


“Ang nag-price increase usually, mga limang brand lang ‘yan out of 20 plus brands na nakakalat naman diyan, kaya piliin natin ‘yung hindi nag-increase o kaya ‘yung sa tingin natin, sulit o reasonable.”


Saad pa ni Lopez, “[H]indi naman magtataas ‘yan, such that hindi na sila mabibili. Kunyari, hamon ‘yan. Ang hamon, kailangang mabenta nila ngayong taon kung hindi, isang taon na naman ‘yan bago mabenta dahil hindi naman ‘yan bibilhin after Christmas.


“Kaya ‘yung mga manufacturers, ingat din mag-price increase ‘yan. Gusto rin nilang gumalaw… mabenta rin ‘yung kanilang produkto.”

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.