Search
  • BULGAR

Suspensiyon ng voter registration, extended

ni Thea Janica Teh | June 30, 2020




Inanunsiyo ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Martes, June 30, na extended ang suspensiyon ng voter registration hanggang August 31 dahil sa COVID-19 pandemic.


“Ang suspensiyon ay hanggang June 30 lamang talaga, ngunit extended ulit ng dalawang buwan dahil sa tuloy-tuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa,” sabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez sa isang panayam.


Nakapagtala na ng 36,438 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa ating bansa, kasama ang 1,255 namatay at 9,956 na gumaling. Patuloy na tumataas ang bilang ng kaso sa mga nakaraang linggo matapos ibaba ang level ng community quarantine sa bansa.


Sa ngayon, patuloy na naghahanda ang Comelec sa poll offices sa buong bansa sa “COVID-19 ready”.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.