Search
  • BULGAR

SSS, tumatanggap na ng benefit application online

ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | June 27, 2020




Hello, Bulgarians! Magandang balita ang hatid sa atin ng Social Security System (SSS) dahil handa na silang tumanggap ng online application para sa unemployment benefit.

Ito ay para sa mga miyembrong involuntary separated from work dahil sa COVID-19 pandemic.


“Napakahirap mawalan ng trabaho sa panahon ng pandemya. Kaya naman bilang pension fund, inaasahan na tuluy-tuloy nating matutulungan ang ating mga kababayan nang mas mabilis,” sabi ni SSS President and Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio.


Para maging kuwalipikado, kinakailangang nakabayad ng kontribusyon sa loob ng 36 buwan kung saan ang 12 buwan ay binayaran sa loob ng 18 buwan bago matanggal sa trabaho. Kinakailangan na ang dahilan ng pagkatanggal sa trabaho ay retrenchment/downsizing, closure of business operation at iba pang dahilan na konektdo sa pandemya.


Bukod pa rito, kinakailangan din na hindi tataas sa edad na 60, maliban sa mga underground at surface mineworkers at racehorse jockeys na may edad na hindi tataas sa 50 at 55.


Para makapagpasa ng benefit application online, mag-log in lamang sa My.SSS account at i-click ang “apply for unemployment benefit claim” sa ilalim ng E-service tab. Basahing mabuti ang certification bago i-click ang “submit”. Kinakailangan din na mag-attach ng scanned image ng certification ng Department of Labor and Employment (DOLE) o Philippine Overseas Labor Office (POLO) kasama ang Notice of Termination from the Employer o Affidavit of Termination from Employment.


Ito ay lalabas sa ilang SSS payment channels tulad ng Unified Multi-purpose Identification (UMID) Card na enrolled as ATM card, bank account sa PESONet participating banks. Electronic wallet (Paymaya) at remittance transfer companies (DBP Cash padala thru MLhuiller).


Para sa iba pang detalye, maaaring tumawag sa SSS hotline na 1455 o Interactive Voice Response System facility sa 7917-7777. Maaari ring bisitahin ang kanilang social media account (Philippine Social Security System Facebook; Mysssph Instagram).

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.