Search
  • BULGAR

SSS, bukas na ang online applications para sa nawalan ng trabaho

ni Lolet Abania | June 27, 2020




Handa na ang Social Security System (SSS) na tumanggap ng online applications para sa unemployment benefit mula sa mga miyembro ng ahensiya na nawalan ng trabaho o involuntarily separated dahil sa epekto ng pandemya ng coronavirus.


Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio, “Job loss in times of global health crisis is one of the worst-case scenarios that we wish would never happen. However, as a pension fund, we have to anticipate these kinds of contingencies by allocating funds and providing our members with safer, faster and more convenient means of filing benefit claims and receiving their cash benefits.”


Para ma-qualify sa unemployment benefit, ang mga empleyado, kasama rin ang mga kasambahay at OFW, dapat nakapaghulog na ng atleast 36 monthly SSS contributions, kung saan 12 buwan dito ay nabayaran na sa loob ng huling 18 buwan bago ang month ng kanyang involuntary separation.


Kinakailangan din na ang mga dahilan ng involuntary separation ay retrenchment/downsizing, pagsasara o cessation ng business operations, at iba pang rason dulot ng pandemya ng coronavirus.


Sa iba pang detalye ng online applications, gamitin lamang ang inyong My.SSS account sa SSS website.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.