Search
  • BULGAR

Spox Roque, mas bilib kay Health Sec. Duque kaysa sa mga taga-WHO?! Huwaaaw!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 01, 2020



MGA “BALAT-SIBUYAS” AT “BALAT-BUWAYA” SA GOBYERNO—Sinabihan ni VP Leni Robredo ang Duterte gov’t. na huwag maging “balat-sibuyas” sa tinatanggap na pagpuna sa kapalpakan ng gobyerno at sa kawalan ng mga plano kung kaya’t patuloy na nananalasa ang COVID-19 sa bansa, dahil ayon sa bise-presidente, sa panahon ngayon ng krisis, dapat walang espasyo sa pagkakamali dahil buhay ng mamamayan ang nakataya rito.


Pero sa totoo lang, hindi lang naman “balat-sibuyas” ang ilang opisyal ng pamahalaan kasi may mga “balat-buwaya” rin na nagagawa pang gumawa ng mga katiwalian sa panahon ng krisis tulad sa nabulgar na overpriced sa pagbili ng mga PPE o personal protective equipments, period!

◘◘◘


ROQUE, MAS NAGAGALINGAN KAY HEALTH SEC. DUQUE KAYSA SA MGA EXPERTS NG WHO?—Hindi matanggap ni Presidential Spokesman Harry Roque ang inilabas na report ng World Health Organization (WHO) na sa buong Western Pacific region, Pilipinas ang may pinakamabilis na kaso ng mga tinatamaan ng virus.


Ayon kay Roque, base sa datos ng Department of Health (DOH) ay napapagtagumpayan na natin ang laban kontra sa COVID-19.


Ganu’n? Aba, kulang na lang ay sabihin ni Roque na mas magaling si Health Sec. Francisco Duque III kaysa mga ekspertong na taga-WHO, boom!


◘◘◘

GOBYERNO, MAS POKUS SA PAGPAPASARA NG TV PLUS AT SKY CABLE SA PANAHON NG PANDEMYA—Inatasan ni Solicitor General (SolGen) Jose Calida ang National Telecommunication Commission (NTC) na i-shutdown na rin ang operasyon ng TV Plus at Sky Cable ng ABS-CBN.


Sa totoo lang, hindi mag-uutos nang ganyan ang SolGen nang walang go signal mula sa Malacañang.


Mantakin n’yo, dahil sa krisis dulot ng pandemya, marami ang nawalan ng trabaho at nagugutom pero tila, isa sa mga pokus ng gobyerno ay i-shutdown ang TV Plus at Sky Cable, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


KAPAG ISINARA ANG TV PLUS AT SKY CABLE, MALAKI ANG EPEKTO NIYAN SA “MANOK” NI P-DUTERTE SA 2022 PRESIDENTIAL ELECTION—Kapag ipinasara ng NTC ang TV plus at Sky Cable, paniguradong malaki ang epekto niyan sa “manok” ni P-Duterte sa 2022 Presidential election, ibig sabihin ay mas lamang ang talo kaysa panalo.


Tiyak na magagalit sa Duterte gov’t. ang milyun-milyong Pinoy na nakabili ng TV plus kasi hindi na nila ito mapakikinabangan, pati ang mga subscribers ng Sky Cable kasi isinara na nga ng NTC ang free TV ng ABS-CBN sa kawalan ng prangkisa, tapos pati ang TV Plus at Sky Cable ay isa-shutdown din na magdudulot para tuluyan nang walang mapapanuod ang publiko ng mga paborito nilang programa, impormasyon at news ng Kapamiya network, period!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.