Search
  • BULGAR

Sorsogon Governor Francis Escudero, nais matanggal sa puwesto si Health Sec. Francisco Duque III

ni Twincle Esquierdo | July 31, 2020




Sorsogon Governor Francis Escudero, nais matanggal sa puwesto si Health Secretary Francisco Duque III


Sumang-ayon na rin si Francis Escudero na mapatanggal sa puwesto si Health Secretary Francisco Duque III matapos tumaas ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa halos 38,000 na naitala ngayong araw.


Ipinaliwanag ni Escudero nitong Huwebes na “intolerable and insulting” ang pagsasagawa ng tally ng DOH na lumabas sa resulta na ang mga mild at asymptomatic ay gumaling sa loob ng labing-apat na araw, isa na ito sa dahilan kung bakit siya dapat tanggalin ni Pangulong Duterte.


Dahil ayon sa datos ng DOH ay sumipa sa 3,954 ang bagong kaso ng COVID-19 na 89,374 kabuuang bilang nito at 38,075 ang mga gumaling na nasa 65,064 at 1,983 ang mga nasawi.


Sinabi ni Escudero sa kanyang social media account, “After recording the highest one-day COVID-19 positive new cases of 3,954, the Department of Health reports a 38,075 ‘mass recovery adjustment’ to include mild/asymptomatic cases,”


“This is ‘only in the Philippines’ and is intolerable and insulting! PRRD: Sir, please fire Sec. Duque! You/we/I deserve better po!” 


Naging sentro ng pangungutya ang DOH sa mga social media account, dahil para sa kanila ay binago lamang nila ang paraan ng pag-recover para masabi sa mga tao na maraming lumalaban sa sakit na ito.


Kaya naging trending sa twitter ang salitang “mass recovery” na halos 7,400 tweets


Isa sa mga nag-tweet ay sinabing, “DOH’s data team made a ‘mass recovery’ adjustment in which mild & asymptomatic cases are now being re-tagged as recovered.  Is this not deception? DELIBERATE manipulation of data to make us think recoveries are increasing.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.