top of page
Search
  • BULGAR

SOBRANG TABANG ANGEL, NANGGULAT SA MADLANG PIPOL

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 10, 2020



“Mataba pero diyosa,” “Tumaba but still maganda pa rin,” “Ang taba niya pero ang ganda niyan inside and out,” “Grabe ang taba ni Angel.”


Ito ang ilan sa mga komento ng mga netizens sa viral photos ni Angel Locsin na ipinost ng isang Facebook user recently.


Makikita sa mga larawan si Angel na nakunan habang nasa harap ng Our Lady of Grace Church at kitang-kita na talagang malaki na naman ang nadagdag sa weight niya.


Matatandaang last June ay nag-viral din ang isang photo ni Angel na lumabas kung saan ay makikitang malusog na rin siya, pero mas nadagdagan pa ngayon sa latest sighting sa kanya.


“Nagsimba lang naman kami, nakita ko na si Angel Locsin. Super gandaaaa. Sabi n'ya sa 'min, ‘Hi po, sorry sandali lang po, ah,’” ang bungad ng netizen sa caption.


Nilinaw din ng nag-post na hindi niya in-edit ang mga larawan.


“'Di 'yan edited, mga kadarna, ano ba HAHAHAHAA, Imsg (i-message) n'yo 'ko, send ko video HAHAHAHA,” ang nakasaad pa sa caption.


Sa comments section ay napakaraming na-shock sa katawan ngayon ni Angel at nagkakaisa rin naman sila sa pagsasabing kahit mataba ay napakaganda pa rin ng aktres.


Ang ibang netizens naman ay ipinaliwanag na kaya raw tumaba si Angel ay dahil side effect ito ng gamot na iniinom ng aktres.


Matatandaang noong 2015 ay nagkaroon ng spine injury si Angel na naging dahilan nga para mag-back-out siya sa pelikulang Darna. She had to undergo some treatments and operations. Sinasabing marami ring gamot na ininom ang aktres for her maintenance at 'yun daw ang dahilan kaya tumaba ito.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page