Search
  • BULGAR

Sitwasyong hinaharap ni Reina Nasino, magsilbing wake-up call na may karapatan ang mga PDL

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | October 14, 2020



Ikinagagalak natin na pinagbigyan ng Manila Regional Trial Court Branch 47 ang apela ng political detainee na si Reina Nasino na pansamantalang palayain nang madalaw niya ang labi ng kanyang 3-buwan gulang na sanggol.


Namatay ang anak ni Nasino na si Baby River sa Philippine General Hospital noong October 9 dahil sa kumplikasyong dala ng pneumonia.


Si Nasino ay isa sa tatlong human rights activists na hinuli noong November 2019 at humaharap sa kasong illegal possession of firearms and explosives.


☻☻☻


Nauna nang umapela si Nasino ng pansamantalang paglaya noong isilang si Baby River.


Kasama tayo sa mga nanawagan din ng kanyang temporary release para matugunan niya ang pangangailangan ng kanyang sanggol.


☻☻☻


Maituturing natin itong munting panalo sa adbokasiyang maging mas humanitarian pa ang ating mga kulungan.


Ngunit marami pa tayong kailangang gawin.


Patuloy tayong lumalaban upang magkaroon tayo ng compassionate programs sa ating mga piitan lalo na para sa mga nagdadalang-tao at iba pang vulnerable persons deprived of liberty.


Ang nais natin, magkaroon ng legal basis under existing laws para makapaglatag ang ating mga korte ng alternative modes of confinement para sa women detainees para sa humanitarian and compassionate na mga dahilan.


Sa layong ito, inihain natin ang panukalang-batas na Senate Bill No. 1344 o ang Parents in Jail Act of 2019, na makapagbibigay ng pagkakataon sa mga detainees na magulang na maalagaan ang kanilang mga anak.


Patuloy din tayong nananawagan para sa review ng kasalukuyang standards para sa healthcare needs ng mga pregnant at nursing mothers na nakakulong para masigurong tumutugon ang mga ito sa kanilang special na pangangailangan.


☻☻☻


Hindi dapat magdusa ang mga anak ng mga PDLs na wala namang kinalaman sa hinaharap ng kanilang mga magulang.


Magsilbi nawang wake-up call ang sitwasyong hinaharap ni Reina Nasino para umudyok sa ating mga awtoridad na isaalang-alang din ang kapakanan ng mga PDL.


Dahil maging ang nasa piitan, may karapatan.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.

Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.