Search
  • BULGAR

Single mom na napasara ang print shop dahil sa ECQ, kumita sa pagbebenta ng manok

ni Thea Janica Teh | June 26, 2020


Photo: Minda Nacario (left)


Matapos bumagsak ang negosyong Print shop dahil sa ipinatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR, minabuti ni Minda Nacario na mag-isip ng ibang mapagkakakitaan.


Bilang single mom, napakahirap kumita ng pera lalo na sa panahon ng pandemiya. Dumating sa punto na wala ng pambili ng diaper at gatas si Nacario para sa kaniyang baby. Kaya naman, naisipan niyang maghanap ng pagkakakitaan.


Sa Php2,500 na puhunan, nagsimulang magtinda si Nacario ng chicken online. Ngayon, kumikita na siya ng halos Php50,000 sa isang araw dahil nakakabenta siya ng halos 5 toneladang manok.


Isa si Nacario sa naging parte ng Store on Wheels ng Quezon City na siyang nagdadala ng pagkain sa mga lugar na nakasailalim sa lockdown.


Sa loob ng tatlong buwan, mayroon ng 3 tindahan ngayon si Nacario at may dalawa ng sasakyan. Isa lamang si Nacario na magpapatunay na walang imposible basta’t magsisipag.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.