Singil sa CR ng mga mall, iimbestigahan
- BULGAR

- Jul 6, 2023
- 1 min read
ni Mylene Alfonso | July 6, 2023

Ipinag-utos ni Manila Mayor Honey Lacuna ang imbestigasyon sa mga mall na labis kung maningil sa paggamit ng kanilang dapat sana ay public toilets.
Inatasan ni Lacuna si City Administrator Bernie Ang na sulatan ang mga mall owner sa Maynila upang tiyakin ang practice ng paniningil kapalit ng paggamit ng kanilang comfort rooms.
Hinikayat din ni Lacuna ang mga mall owner na ihinto na ang ganitong practice ng paniningil dahil ito ay anti-poor at lihis sa regulasyong itinakda ng local government sa pamamahala ng kanilang operasyon.
Inutos din ng alkalde ang imbestigasyon sa reklamo ng isang taga-media na siningil ng P20 sa paggamit ng comfort room sa isang mall sa Binondo. Sa resibong ibinigay sa kanya ay P10 lang ang nakalagay.
Ayon kay Ang, ang mga shopping malls ay binigyan ng permit ng city government na mag-operate sa kondisyong magpo-provide sila ng mga facility na kailangan ng kanilang customers at kabilang na rito ang public comfort rooms na magagamit nang libre.
Habang ang shopping malls ay private-owned establishments, sinabi ni Ang na ang city government ay maaaring i-regulate ang kanilang operations at magpatupad ng kautusan kung ang operasyon ng mall ay detrimental o taliwas na sa kapakanan at interes ng publiko.
Dahil sa reklamo, sinabi ni Ang na ang nasabing mall ay nakagawa ng pagkakamali nang mag-issue ito ng resibo na nakasulat ay P10 lamang, pero ang sinisingil ay P20.
Nagbabala ang city administrator sa paglabag ng kondisyon dahil ito ay grounds para sa penalties at maging pagkakasara ng mall.








Comments