top of page
Search
  • BULGAR

Sikat na cong., lagot sa bagets na anak sa labas na todo-hunting sa amang pabaya

ni Chit Luna - @Yari Ka! | July 9, 2020



Isang pabayang ama na kongresista ang hina-hunting ngayon ng kanyang anak sa labas dahil hindi umano ito nagbigay-suporta kahit minsan.


Hataw siya kung bumanat sa kanyang kapwa kongresista at akala mo kung sino kung umasta pero sa likod ng “respetado” nitong pagkatao ay nagkukubli ang pagiging pabayang ama nito.


Kabilang siya sa tinaguriang “Spice Boys” na naging maimpluwensiya noong panahon ni ex-P-GMA. Ayon sa bulung-bulungan, ang junakis daw niya ay bunga ng pagpunta-punta nito sa mga bar at club kasama ang kanyang mga dabarkads.


Heto pa, liban sa anak na huma-hunting sa kanya, meron pa raw itong isa pang anak kung saan isinunod pa raw ang pangalan ng bata sa kanyang pangalan. In short, may junior pala si Cong. sa ibang babae! Ibang klase, babaero talaga at walang magawa kundi ang magparami ng lahi sa mga naloko niya noong teenagers.


Anyways, ang anak nito sa labas na huma-hunting sa kanya ay lalaki na sobrang kamukha raw niya kaya hindi maitatangging dugo’t laman ito ng ating bida na matinik sa chicks!


Mula raw nang mabuo ang bata hanggang sa magkaisip ay hindi man lang nito nakita ang ama—hindi man lang nasuportahan at tila wa’ talaga pakialam sa kanya. Tsk-tsk-tsk!

Binata na ngayon at may pinag-aralan ang kanyang anak, kaya naman inaasahang isang araw ay magaganap ang kanilang paghaharap.


Paniguradong dapat maghanda ang ating bida sa matagal na panahon niyang pandededma dahil posibleng sa hindi malamang panahon ay bigla na lamang lulutang isang tao mula sa kanyang nakaraan.


Sinetch kaya ang congressman na ito? Hmmm…

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page