top of page
TALKIES - MAYOR VICO, UMAMING NEVER NAISIP MAG-SHOWBI-IG _vicosotto.jpg

SIGAW NG NETIZENS: LIZA, GINAMIT ANG PONDO NG GOBYERNO SA FASHION EVENT SA M'CAÑANG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 16, 2023
  • 1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | August 16, 2023



Umaani ng batikos ang Malacañang, partikular si First Lady Liza Araneta-Marcos dahil sa magarbong fashion event kamakailan.


Nakasentro sa designer na si Michael Leyva ang show kung saan inirampa nga ng ilang kilalang celebrities ang mga disenyo nitong 'Filipiniana.'


Hangarin daw ni First Lady na ipagmalaki at isulong ang Pinoy fashion kaya’t ginawa ang bonggang fashion show sa Malacañang, with prominent politicians, fashion designers, fabric manufacturers, showbiz personalities, etc. in attendance.


Ipinagmalaki pa ng organizer na walang pera ng gobyerno na ginastos sa event dahil sariling pera umano ng mga designers at sponsors ang ginamit.


“Venue provider lang ang Malacañang,” sey pa ng mga nabasa naming reaksiyon dahil ginanap nga ito sa gitna ng mga naghahanap ng ayuda dahil sa mga pagbaha at bagyo kamakailan.


Sumbat tuloy ng mga ito, “Kung totoong walang pera ng gobyerno na ginasta, bakit hindi sa isang neutral ground ito ginanap. Tutal naman pala ay paandar ito ng mga designers, etc.?”



“Bumaha ng mga masasarap na foods and drinks, may bonggang catering, may tokens pa.


Maisusuot ba ng mga common na tao ang ganu’ng mga damit? Common, admit it, saang okasyon lang ba nagagamit ang mga ganyan? Pampasikip lang 'yan sa mga aparador, tapos aanurin lang ng baha?” litanya pa ng mga netizens.


Ang ilan sa mga kilalang celebrities na nakitang rumampa sa event ay sina Heart Evangelista, Bianca Manalo, Lani Mercado, Mariel Padilla, Hayden Kho at ilan pang beauty queens at male pageant winners.


“What else is new? Dati nang habit at gawain ng mga Marcos ang mga ganyang ganapan involving showbiz/fashion celebrities,” pag-conclude pa ng mga nagre-react.


Aguy!!!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page