Sen. Imee, ‘di nagpapadikta sa Malacañang kaya ‘dark horse’ sa pagka-Senate president
- BULGAR

- May 27
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 27, 2025

MALAMANG KAKABA-KABA NA SI HARRY ROQUE DAHIL ANG CO-ACCUSED NIYA SA KASONG POGO, ARESTADO NA NG PNP-CIDG -- Isang nagngangalang “Marlon” na isa sa mga co-accused ni former presidential spokesman Harry Roque sa kasong no bail na qualified trafficking in person ang naaresto na ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na pinamumunuan ni Maj. Gen. Nicolas Torre.
Hindi man aminin ay siguradong kahit nasa The Netherlands si Roque ay tiyak kakaba-kaba na siya kasi nga desidido si Gen. Torre na dakpin at ikulong ang lahat ng sangkot sa ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na kinasasangkutan ng dating presidential spokesman, boom!
XXX
MAG-RESIGN MAN SI EX-P-DUTERTE SA PAGKA-MAYOR, MGA DUTERTE PA RIN ANG MAGIGING MAYOR AT VICE MAYOR NG DAVAO CITY -- Kapag nagpasya si former President Rodrigo Duterte na kasalukuyang nakakulong sa International Criminal Court (ICC) jail na mag-resign o hindi maupo bilang nanalong alkalde ng Davao City, ang anak niyang si incumbent mayor, at nanalong vice mayor na si Baste Duterte ang magiging city mayor uli, at ang anak ni Davao City Rep. Pulong Duterte na number 1 na nanalong konsehal na si Rigo Duterte ang siyang magiging vice mayor.
Ibig sabihin, mag-resign man si ex-P-Duterte dahil walang katiyakan kung kailan siya makakalaya sa ICC jail ay walang tapon, mga Duterte pa rin ang magiging mayor at vice mayor ng Davao City, period!
XXX
PARA NAMANG SINABI NI SEN. DELA ROSA NA NAGPAPADIKTA SA MALACAÑANG SI SP CHIZ ESCUDERO -- Ayon kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, ang dapat daw maging Senate president ay hindi sunud-sunuran sa Malacañang.
Kumbaga, parang sinabi na rin ni Sen. Bato na sunud-sunuran si Senate Pres. Chiz Escudero sa Malacañang, boom!
XXX
LIYAMADO MAN SI SP CHIZ HABANG SABI NAMAN NI SEN. SOTTO MARAMING SENADOR NA SUSUPORTA SA KANYA, ‘DARK HORSE' PA RIN SI SEN. IMEE SA PAGKA-SENATE PRESIDENT -- Tatlo ang posibleng maglaban-laban sa pagka-Senate president, sila ay sina SP Chiz Escudero, Senator-elect Tito Sotto at presidential sister, Sen. Imee Marcos.
Bagama’t liyamado pa rin sa laban sa Senate presidency si SP Chiz at sinasabi naman ni Sen. Sotto na maraming kumukumbinse sa kanya para maging Senate president uli, ay masasabing dark horse dito si Sen. Imee dahil nga maraming pro-Duterte senators ang maaaring magkaisa na siya ang iluklok na pangulo ng Senado dahil kahit kapatid siya ni Pres. Bongbong Marcos, Jr. (PBBM) ay nakita naman ng publiko na hindi ito nagpapadikta sa Malacañang, period!







Comments