Search
  • BULGAR

Second worst wave Ebola Outbreak sa Congo, tapos na

ni Thea Janica Teh | June 26, 2020




Sa loob ng 2 taon, natapos din ang second-worst ebola outbreak in history na pumatay sa halos 2,280 katao. Ito ay ayon sa World Health Organization.


Ito ay nirespondehan ng halos 16,000 front-liner workers, technological innovation at new vaccine. Ang Ebola ay isang hemorrhagic fever na nakukuha sa mga may sakit, patay na tao at hayop na nagiging sanhi ng lagnat, bleeding, panghihina at pananakit ng tiyan. Umabot sa kalahati ng nabiktima ang average fatality rate nito.


Ito na ang pang-10 outbreak ng Ebola sa Congo. Patuloy itong nilalabanan ng bansa na nagsimula sa northwestern city ng Mbandaka.


“Minsan naiisip natin na imposible na malagpasan ang misyon na ito, kaya naman sa pagtapos ng outbreak na ito ang magiging pag-asa ng mundo upang malagpasan din ang epidemic,” sabi ni Dr. Matshidiso Moeti, WHO regional director sa Africa.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.