Search
  • BULGAR

Search and rescue isinagawa sa banggaan ng Pinoy fishing boat at Hongkong vessel

ni Lolet Abania | June 29, 2020




Nagsagawa ng search and rescue ang Philippine Coast Guard (PCG) sa paligid ng Occidental Mindoro sa mga mangingisda at pasahero ng fishing boat matapos na makabanggaan nito ang Hong Kong flagged-cargo vessel.

Ayon kay PCG spokesperson Commodore Armand Balilo, naganap ang salpukan sa Mamburao, Occidental Mindoro umaga ng Linggo. Sakay ng F/V Liberty 5 ang mga nawawalang mangingisda mula Cagayan de Tawi-Tawi Island patungong Navotas, habang ang Hong Kong vessel na M/V Vienna Wood ay galing ng Subic papuntang Australia. Nasa Batangas na ang mga sakay ng Hong Kong vessel para sa imbestigasyon.

"The involved missing crew, as reported, is 12. We are already conducting search and rescue. We have a floating asset in the area and other teams are on standby," sabi ni Balilo.

Sa updated report ng PCG, sa 12-man crew nakasama roon ang kapitan ng barko at dalawang pasahero.

"Some of our rescue personnel already sighted the overturned fishing boat," dagdag ni Balilo. "We will check the vicinity to find out the whereabouts of the fishermen involved."

Isang PCG Islander plane at isang Airbus helicopter ang itinalaga para tumulong sa operasyon. Nag-deploy din ng multi-role response vessel upang masuyod ang buong lugar, ayon kay Balilo.

Agad na dadalhin ang mga masasagip na mangingisda sa malapit na Coast Guard station sa Mindoro para sa medical treatment.

Gayundin, sinabi ni Balilo nakikipag-ugnayan na sila sa kapitan ng Hong Kong Vessel.

"We are asking for the details of the incident. He is very cooperative," aniya.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.