Search
  • BULGAR

Sangkaterbang armas at bala, natagpuan

@Balitang Probinsiya | June 30, 2020



SORSOGON—Sangkaterbang armas at mga bala ang natagpuan ng mga awtoridad sa isang abandonadong gusali kamakalawa sa Bgy. Otavi, Bulan.


Ang mga armas na narekober ay sampung M-16 armalite automatic rifles at 31 kahon na naglalaman ng mga bala.


Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na may mga nakatagong baril sa naturang abandonadong gusali kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at kinuha ang mga armas at bala.


May hinala ang mga awtoridad na maaaring ang nasabing mga armas at bala ay mula sa mga New People’s Army (NPA) na nag-o-operate sa lalawigan.


Gayunman, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid ang pagkakakilanlan ng mga suspek na nag-iwan ng mga armas at bala sa nasabing lugar.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.