Search
  • BULGAR

Sakit na hindi kaugnay sa COVID-19, ‘wag isawalang-bahala

ni Thea Janica Teh | July 31, 2020



Ayon sa mga eksperto, sa panahon ng pandemic, hindi dapat isinasawalang bahala ang iba pang sakit na hindi related sa COVID-19.


Sinabi ni Dr. Edwin Dimatatac sa isang pahayag na ang lahat ay nakatutok lamang sa

COVID-19 at malaki pa rin ang poryento ng non-coronavirus patients ang nasa ospital sa

buong Pilipinas.


Tulad na lamang sa ibang lugar na mababa ang positivity rate, mas marami pa ring dinadala sa ospital dahil sa nararanasang sakit na walang kaugnayan sa COVID-19.


Ibinahagi rin nito ang mga buntis na nanganganak ng normal delivery. Takot umano ang

mga buntis na magpa-check-up dahil takot pumunta sa ospital.


Kung ito ay nanganak ng normal delivery at hindi binigyang-pansin, maaari itong bumalik muli sa ospital dahil sa komplikasyon.


Bukod pa rito, marami na rin ang mga nagsasarang dialysis center dahil sa takot sa COVID-19.


Kaya naman ito ‘ika ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng komplikasyon ang mga pasyente na dapat ay magpapa-dialysis ng 3 times a week dahil hindi na gumagana ng maayos ang kanilang kidney.


Kaya naman, isa ito sa mga rason umano ng Ospital ng Muntinlupa kung bakit tumatanggap pa rin sila ng mga pasyenteng nakararanas ng sakit na hindi kaugnay sa COVID-19.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.