Search
  • BULGAR

Sa UK daw manganganak... JANELLA, PINAGPIPIYESTAHANG BUNTIS KAY MARKUS

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 14, 2020




Nu'ng Sabado (September 12) ay inamin na nina Janella Salvador at Markus Paterson na mag-boyfriend na nga sila.


Ipinost ng aktres sa kanyang Instagram account ang larawan nila ni Markus na magkayakap at nilagyan ng caption na, "The best hugs in the world from the best potato in the world."


Bumaha ng red emojis ang comment section ng aktres mula sa mga kaibigan at pamilya nito.


Kasunod nito, lumutang naman ang mga espekulasyon na buntis si Janella dahil sa IG Live ni Markus, narinig sa video na sinabi ng aktres matapos makakita at magulat sa isang insekto na, "Show na lang my bump. I almost jumped and that's not good. I'm not allowed to jump."


Samantala, inulan din ng tanong ang nanay ni Janella na si Jenine Desiderio tungkol sa balitang buntis ang anak at sa United Kingdom daw ito manganganak dahil tagaroon si Markus. May ipinost din si Jenine na video kung saan naglalaro ng soccer ang isa pang anak niyang si Russel at si Markus at mukhang tanggap ng aktres ang BF ni Janella.


Pero sa dami ng nagtanong, wala pang sinasagot si Jenine. Kaya ang ibang netizens, malakas ang paniniwala na talagang buntis si Janella dahil madali naman daw sabihing hindi totoo kung walang basehan ang mga akusasyon sa aktres.


At wala pa mang paglilinaw sina Janella at Markus, may mga namba-bash na agad sa aktor at sinasabing kawawa naman si Janella dahil wala pang stable job si Markus. Ang ending daw, kay Jenine pa rin aasa ang anak.


Well, hintayin muna nating sina Janella at Markus ang magkumpirma kung ano ang totoo bago tayo manghusga.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.