ni Nitz Miralles @Bida | December 7, 2023
Para sa TVJ o Tito, Vic and Joey, “RESPETO" ang most important word sa isyu sa pagitan nila ng TAPE, Inc..
Ito rin ang pakiusap ni Atty. Buko dela Cruz, ang lawyer ng TVJ sa kaso nito sa TAPE, Inc., respetuhin ang batas at ang desisyon ng Intellectual Property of the Philippines (IPOPHIL) na kanselahin ang trademark ng TAPE sa titulong Eat… Bulaga at EB.!
Kasunod nito, puwede nang magamit ng TVJ ang Eat… Bulaga! sa kanilang noontime show sa TV5.
Nakadagdag ng saya sa mediacon ang pagpapatugtog ng jingle na isinulat ni Vic Sotto habang nakaupo sa comfort room.
Ang saya lang na sinabayan ng Legit Dabarkads ang pagtugtog ng jingle at may bago silang idinagdag na maririnig natin kapag pinatugtog na ang jingle sa kanilang show.
Si Atty. Buko ang sumagot at nagpaliwanag kung kakasuhan ba ang TAPE, Inc., kung gagamitin pa rin nila ang Eat… Bulaga! at positive ang sagot nito dahil paglabag daw ‘yun sa copyright.
Wala raw karapatan ang TAPE na gamitin ang Eat… Bulaga!.
Sa tanong naman kung mababawi pa ng panig ng TVJ ang digital platforms nila at kung ilalaban ba nilang mabawi, “oo” pa rin ang sagot ni Atty. Buko.
“Oo, ilalaban na maibalik lalo na ngayong may desisyon. Lahat ng nilikha natin, ibabalik nila,” sabi ni Atty. Buko.
Sa tanong kung may lugar sa kanila ang pagpapatawad sa mga taga-TAPE, sina Joey at Vic ang sumagot.
Ani Joey, “Mahal namin sila, 44 years kaming magkakasama. Sila lang ang hindi kami mahal, ang tagal naming magkakasama.”
Dagdag ni Vic, “Hinihingi lang namin ang respeto.”
Early Christmas gift ang tingin ni Tito sa desisyon ng IPO na pagpabor sa kanila at masaya sila na ni-recognize sila ng batas.
After the mediacon, pag-uusapan pa raw nila ang iba pang legal matters na isinampa naman nila laban sa TAPE gaya ng copyright infringement. Sa Marikina RTC dinidinig ang kaso at malapit na rin daw ibaba ang desisyon dito.
Commentaires