Search
  • BULGAR

Sa pagpapasara sa ABS-CBN… “ANG DAPAT NATING GAWIN AY IDALANGIN SI VICE GANDA” — QUIBOLOY

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 18, 2020




Matapos maipasara ang ABS-CBN Network, nanawagan si Pastor Apollo Quiboloy na ipanalangin ang It’s Showtime host na si Vice Ganda.

Aniya sa isang live broadcast, “Well, natapos na yun, ‘no, at nangyari na ‘yung nangyari. I think, naka-learn na rin ng lesson si Vice sa pangyayari.

“Ngayong nandiyan sila sa sitwasyong ganyan, huwag na nating ipagdiinan sila. Ang dapat nating gawin ay idalangin si Vice Ganda at ang kanyang mga kasamahan.”

Saad pa ni Quiboloy, “Alam ninyo, mahirap mawalan din ng trabaho.

“At kailangan din namang humarap tayo sa batas sapagkat ang batas ang siyang nagtatanggol sa atin, puprotekta sa atin.

“Hindi rin natin maaaring iwasan kung tayo ay nasa kanilang kalagayan at bilang may-ari ng network, bilang may-ari ng pinagkikitaan nila, ay hindi rin sila makaiwas sa bagay na sasagutin nila sa batas.

“So, nangyari na nga ‘yung nangyari, humarap na sila sa Kamara. At nahimay-himay na ‘yun lahat.”

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.