Search
  • BULGAR

Sa kabila ng pandemya nagkalat ang mga loko... 20 dahilan para mapunta kayo sa impiyerno

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | June 30, 2020




Ang daming mga kahanga-kahangang tao na nakagagawa ng paraan para mabuhay ngayong panahon ng pandemya. Malilinis ang naiisip na diskarte upang mabuhay ang sarili at ang pamilya. Pero sa kabila nito, may mga tao namang saksakan ng daming kalokohan sa katawan.


Ilan na ba ang nababalitaan nating gumagawa ng ilegal na mga bagay na nakakaperhuwisyo sa kanilang kapwa? May ilegal na pasugalan, nambubugaw at nagbebenta ng laman, may nang-i-scam online, may nagpi-phishing para makulimbatan ng pera ang mga taong may impok sa bangko.


May posibilidad na ang tao ay maaaring mapunta sa impiyerno, ayon sa isang Bible scholar. Ayon kay Jacob Pinewood, isang propesor ng kabanalan sa Holy Moses college sa Jarvis, Australia, 99 sa 100 katao ang nakakasuklam. Ayon pa kay Pinewood sa kanyang pananaliksik, ang Diyos ay nagagalit sa mga gumagawa ng masama sa kapwa.


Sabi ni Pinewood, kapag mas maraming “oo” ang isasagot mo sa mga sumusunod, tiyak na nakasanla na ang kaluluwa mo kay Taning.

  1. Kaya mong magbanggit ng 10 klase ng alak, pero wala kang matandaan kahit isa sa 10 utos ng Diyos.

  2. Mas alam mo pa ang ibig sabihin ng “f*ck” kaysa sa nilalaman ng talatang John 3:16 sa Bibliya.

  3. Nagbebenta ka ng iyong puri.

  4. Hindi mo kayang makinig sa mga church choir.

  5. Madalas kang magsuot ng black bilang pagrerebelde mo.

  6. Gumagawa ka ng dambana ng mga yumaong sikat na rock star na pawang mga may isyu sa masamang ugali at pagdo-droga.

  7. Nagpi-preserve ka ng mga pugot na ulo sa iyong ref.

  8. Humiling ka sa Diyos na gumawa Siya ng masasamang bagay para sa ‘yo.

  9. Ipinagbibili mo ang iyong dangal o dignidad kapalit ng magarang sasakyan o anumang materyal na bagay.

  10. Binabanggit mo ang ngalan ng Diyos, lalo na kapag hindi mo mahanap ang remote control ng T.V o matatapilok ka sa paglalakad sa madilim na lugar.

  11. Nanonood ka ng mga pelikulang bayolente o bastos.

  12. Ginagamit mo ang salitang “P*****ina” o “F**k Y**u” o nagmumura ng napakaraming beses sa isang araw.

  13. Kapag may sinuway ka sa 10 Utos ng Diyos.

  14. Nakikipagtalik ka sa iyong bisyo kahit na walang asawa.

  15. Kapag may pagnanasa ka sa iyong kadugo.

  16. Hindi mo alam ang masamang maidudulot sa ‘yo ng sobrang kalasingan dahil ang alam mo lang ay nagdudulot ito ng sarap sa pakiramdam.

  17. Pinagtatawanan at kinukutya mo ang mga may kapansanan.

  18. Naliligo ka kasama ng isang kauri mo, babae o lalaki man.

  19. Kapag ibinabahagi sa ‘yo ang naging buhay ni Mother Teresa, ngunit dedma at wala kang pakialam.

  20. Kapag ikaw ay miyembro ng organisadong kulto na taliwas sa turo ng Diyos.

Kaya ngayon pa lang, habang hindi pa huli ang lahat ay humingi na tayo ng tawad sa Diyos. Ibayong pagdarasal ang kailangan. Kontrahin na natin ang masasamang ugali na ganyan. Piliting magbago at ipakita ‘yan sa panahon na ito ng krisis. Hindi pa naman nagugunaw ang mundo, pandemya pa lang ito kaya magbago na.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.