Search
  • BULGAR

Robonurse, palit sa health workers sa Taguig

ni Thea Janica Teh | September 9, 2020


Robonurse o mga robot nurse na ang gagamitin ng Taguig City sa kanilang mega quarantine facility para sa mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 nang sa gayon ay maprotektahan ang kalusugan ng mga health workers.



Ayon kay Taguig Mayor Lino Cayetano, ang mga robot nurse ay ikokontrol ng mga health

workers para dalhin ang vitamins at iba pang pangangailangan ng mga pasyente.


Ang Robonurse ang liligid sa Taguig City Lakeshore Hotel Mega Quarantine Facility kung

saan may 500 COVID-19 beds.


Ang robot na ito ay gawa ng Taguig Robotics Team, isang grupo ng mga mag-aaral na

gumawa ng robot para sa online graduation ng mga estudyante sa public school sa siyudad. Sa ngayon, may kabuuang 5 quarantine facilities na ang Taguig City.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.