Rider tepok sa jeep at tricycle
@Balitang Probinsiya | March 16, 2023
CAVITE—Isang rider ang namatay nang aksidenteng bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa nakahintong pampasaherong jeep at tricycle sa Bgy. Pasong Kawayan 1, Gen. Trias City sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si John Abayon, 29, at nakatira sa Pasay City.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Abayon sa pagmamaneho ng motorsiklo kaya aksidente itong bumangga sa nakahintong jeep at tricycle sa nasabing lugar.
Nabatid na dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na aksidente.



Comments