Search
  • BULGAR

Religious leaders, sagot sa krisis sa mental health — DOH

ni Lolet Abania | August 24, 2020




Nagpahayag ng suporta ang Department of Health (DOH) sa planong pangunahan ng mga religious leaders ang pagbibigay ng guidance at tamang paliwanag para sa mga dumaranas ng anxiety, depression at kawalan ng pag-asa na nagreresulta sa problema sa mental health sa panahon ng COVID-19 pandemic.


"Ang Pilipinas, we are highly religious. We always turn to prayers when things go bad... Tinitingala sila ng ating kababayan, malaking tulong kung makakausap nila para magkaroon ng appeasement ang ating kababayan na nakararanas ng depression," Health Usec. Maria Rosario Vergeire.


Gayundin, nagpahayag ng pagkabahala si Inter-agency Task Force chief implementer Carlito Galvez Jr., matapos ang mga report ng pagtaas ng suicide cases dulot ng nararanasang health crisis at pagkawala ng trabaho ng marami na pinagmumulan ng ikabubuhay ng pamilya. Kailangan ng tulong ng Simbahan at religious leaders upang masolusyunan ang problemang ito, ayon kay Galvez.


Ayon kay Vergeire, malaki rin ang magagawa ng pamilya sa mental health ng kada miyembro nito. Dapat na nababantayan ng bawat isa ang kani-kanyang kilos sakaling nagpapakita na ito ng depression o anxiety.


Hinimok rin ni Vergeire, ang mga nakararanas ng nakakaalarmang pagbabago sa kanilang mental wellbeing na tumawag sa National Center for Mental Health Crisis hotline.


"Hindi porket tumawag kayo sa hotline ay loko-loko o mayroon kayong sira sa ulo. It is okay not to be okay. Lahat po tayo nakakaranas ng ganyang pakiramdam dahil sa sitwasyon na ito, pero kailangan lang po ng suporta ng pamilya, suporta ng komunidad, especially in this situation na mayroong pandemiya," sabi ni Vergeire.


Iminungkahi naman ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sa gobyerno na mag-hire ng mga guidance counsellors, psychiatrists, psychologists at iba pang mental health experts upang makatulong sa publiko na makayanan ang health crisis na ito. Aniya, dapat na ang pamahalaan at local government units ay magkaroon ng mga pasilidad para sa counselling at treatment ng mga taong may psychological problems.


Samantala, para sa nangangailangan ng mental health support, maaaring tumawag sa 24/7 National Center for Mental Health Crisis Hotline sa (0917) 899-8727 o (02)7-989-8727 o 1553 (Landline-to-landline only).

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.