ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Pebrero 22, 2024
Noong nakaraang linggo, inanunsyo ng Department of Tourism na may nanalo na sa bidding para ayusin ang Ninoy Aquino International Airport.
Wagi ang San Miguel Corp. (SMC) SAP & Co. Consortium, isang grupong pinangungunahan ng SMC, sa bidding para sa P170.6 billion NAIA rehabilitation project.
Ang rehabilitation project ay isang public-private partnership project. Nanalo ang SMC SAP & Co. Consortium pagkatapos nilang ipanukala na 82.16-percent ang revenue na matatanggap ng pamahalaan.
☻☻☻
Isang isyu na madalas nakakabit sa NAIA ay ang pagpapalit ng pangalan nito.
May panukala kasi sa House of Representatives (House Bill No. 610 ni expelled Rep. Arnolfo Teves, Jr.) na nilalayong ipangalan kay Ferdinand E. Marcos, ang ama ng kasalukuyang pangulo, ang NAIA.
Para sa mga hindi nakakaalam, kailangan ng batas para palitan ang pangalan ng airport.
☻☻☻
Para sa akin, hindi prayoridad ang pagpapalit ng pangalan ng NAIA. Hindi pa ito napapanahon, at hindi na dapat pag-aksayahan ng panahon.
Maaari ring magdulot ng pagkalito ang pagpapalit ng pangalan lalo na sa mga international tourists.
Mas mahalaga na siguruhing maaayos ang airport. Umaasa tayo na sa loob pa lang ng isang taon ay makakakita na tayo ng positibong pagbabago sa ating airport para sa ikagiginhawa ng mga pasahero.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Comentarios