top of page
Search
BULGAR

Quad-Committee, dapat kuwestiyunin sina Mayor Olivarez at Gen. Rosete sa POGO operation sa Parañaque

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 6, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

JOINT BANK ACCOUNT NINA HARRY ROQUE AT POGING AR DELA SERNA, ALAM KAYA NI MRS. ROQUE? -- Sa pagdinig sa Kamara ay inamin ni 2016 Mr. Supranational Philippines AR Dela Serna na mayroon silang joint account sa bangko ni former presidential spokesman Harry Roque.


Ang tanong: Alam kaya ng misis ni Harry Roque na ang kanyang mister at ang pogi nitong dating staff na si Dela Serna ay may joint account sa bangko? Boom!


XXX


AYAW NI HARRY ROQUE ISUMITE SA KAMARA ANG MGA DOCUMENT NA HINIHINGI SA KANYA KASI ALAM NIYANG MAGAGAMIT ITONG EBIDENSYA LABAN SA KANYA -- Ni-reject ng Kamara ang hirit na “motion to quash” o hirit ni Harry Roque na pagbigyan siyang huwag nang isumite sa Quad-Committee ng House of Representatives ang mga hinihingi sa kanyang mga dokumento gaya ng kanyang SALN (Statement of Assets, Liabilities and Networth), deed of sale ng isang multi-national subdivision, Income Tax Return (ITR) ng mag-asawang Harry at Mylah, at ITR ng Biancham Holdings and Tradings. Inc. na pag-aari ng pamilya Roque.


Tiyak alam ni Harry Roque na ang mga dokumentong ito ang magiging ebidensya na magdidiin sa kanya sa mga kasong isasampa sa kanya, kaya ayaw niyang isumite ito sa Kamara, period!


XXX


SIGURADONNG KABADO NA ANG MGA KASABWAT NI ALICE GUO SA RAKET NA ILLEGAL POGO SA ‘PINAS -- Sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian na sa muling pagharap sa Senado ni former Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac ay gigisahin nila ito para aminin kung sino ang mga kasabwat niya sa mga illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.


Dahil sa statement na iyan ni Sen. Gatchalian ay tiyak kakaba-kaba na ang mga kasabwat ni Alice Guo sa raket na POGO sa ‘Pinas, boom!


XXX


MAYOR OLIVAREZ, GEN. ROSETE AT COL. MONTANTE DAPAT KUWESTIYUNIN NG QUAD-COMMITTEE SA PATULOY NA OPERASYON NG POGO SA PARANAQUE CITY -- Ibinulgar ni Julio Templonuevo, presidente ng Multi-National Homeowners Association na tuloy pa rin daw ang operasyon ng POGO sa Paranaque City kahit na pina-ban na ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ang operasyon nito sa buong bansa.


Kung totoo ito, aba’y dapat ipatawag at kuwestiyunin ng Quad-Committee ng Kamara sina Mayor Eric Olivarez, Southern Police District (SPD) Director, Brig. Gen. Leon Rosete at city chief of police, Col.Melvin Montante kung bakit wala silang aksyon sa POGO sa Paranaque City kahit na ito ay ipinagbabawal na ng Presidente, period!

0 comments

Recent Posts

See All

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page