Search
  • BULGAR

Pugot na bangkay, natagpuan

@Balitang Probinsiya | June 26, 2020



NEGROS ORIENTAL—Isang pugot na bangkay ang natagpuan kamakalawa sa palayan na sakop ng bayan ng Bacong.


Ang biktima ay nakilalang si Geovanni Baylosis, residente sa naturang bayan.


Nabatid na ilang magsasaka ang nakatagpo sa pugot na bangkay ng biktima.


Sa pagresponde ng pulisya ay natagpuan din sa nasabing lugar ang putol na ulo ni Baylosis na naging dahilan kaya nakilala ang biktima.


Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para makilala ang may gawa ng karumal-dumal na krimen sa biktima.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.