Search
  • BULGAR

Public school sa Iloilo, nilooban

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 26, 2020




Nilooban ng mga kawatan ang Balabago Elementary School sa Iloilo City kung saan tinangay ang mga TV, gadgets katulad ng laptop, atbp.


Natuklasan ng mga guro ng nasabing paaralan ang insidente noong Huwebes kung saan isang sirang padlock patungong principal’s office ang kanilang nakita.


Saad ng guro ng naturang paaralan na si Viena Fullon, “Chineck nila papasok dito. Nanghalukay pa sila ng cabinet at mesa. Naghanap siguro ng pera. Pero wala naman silang makukuha."


Tinangay din ng mga kawatan ang recorder ng mga CCTV kaya’t hindi matukoy kung sino ang nasa likod ng panloloob.


Panawaga ni Fullon, “Kung may mapagbebentahan diyan, paki-report sa pinakamalapit na police station o maaari n’yo kaming makontak sa 09507685708. Para kung mabalitaan ninyo na may napagbentahan o nakakita, maaari ninyong iparating sa amin."

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.