Search
  • BULGAR

PSC athletes fund na ginamit sa pandemic, sisikaping maibalik

Updated: Jun 25

ni VA - @Sports | June 24, 2020




Kikilos si Philippine Olympic Committee president Bambol Tolentino sa kanyang kapasidad hindi bilang pangulo ng POC kundi bilang isang Kongresista upang maibalik ang pondo ng Philippine Sports Commission na kinuha ng pamahalaan para gamitin sa pagsugpo ng coronavirus (COVID-19) pandemic.

“As a member of the House of Representatives, I will lobby for it and try to return the amount to the PSC,’’ pahayag ng kinatawan ng ikawalong Distrito ng Cavite sa Kongreso.

Nakasilip ng pagkakataon si Tolentino para ma-recover ang P1.3-billion PSC budget na ini -realigned ng Department of Budget and Management dahil sa panukalang "extension" o pagpapalawig ng “Bayanihan to Heal as One Act.’’

“We will include it in the Bayanihan to Heal as One extension for the athletes to receive their allowances in full,’’ ayon pa kay Tolentino.

May P596 milyon galing sa PSC National Sports Development Fund (NSDF) at P773 milyon mula sa General Appropriations Act ang ibinalik sa national treasury noong nakaraang linggo upang ilaan sa laban kontra coronavirus.

Sa NSDF kinukuha ang allowances, gastusin sa training at pangangalaga sa mga atleta at coaches habang sa GAA naman nanggagaling ang mga ipinasusuweldo sa mga empleyado at maintenance ng mga pasilidad na kontrolado ng ahensya.

Mas naging mabigat pa ang problema nang bumaba sa P9 na milyon ang PSC remittance mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation ngayong Hunyo kung kaya napilitan ang mga ito na bawasan ng kalahati ang monthly allowances ng mga national athletes at coaches.

Parehas hiniling ng Senado at ng Kongreso ang extension ng Bayanihan to Heal as One Act hanggang Setyembre 30 na nagbigay ng karagdagang awtoridad kay Pangulong Rodrigo Duterte para labanan ang COVID-19.

“Our national athletes are the front-liners in sports. They made the country really proud after giving honor as overall champions last year (in the Southeast Asian Games),’’ wika ni Tolentino.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.