Search
  • BULGAR

PSA forum online, tampok ang ABAP para sa Olympic Boxing

ni Anthony Servinio - @Sports | June 30, 2020




Boxing ang tampok ngayong Martes sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Online Forum. Ibabalita ni Ricky Vargas, ang Presidente ng Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP), ang mga ginagawa ng samahan bilang paghahanda sa Tokyo Olympics sa susunod na taon.


Sasamahan si Vargas ni ABAP Secretary General Ed Picson. Sa ngayon, sina Eumir Felix Marcial at Irish Magno ang sigurado na lalahok sa Tokyo subalit buhay pa rin ang kampanya ng ibang mga Pinoy na makapasok depende sa mga parating na qualifying tournament.


Nag-uwi ng pilak si Anthony Villanueva noong huling ginawa ang Olympics sa Tokyo noong 1964 at sinundan ito ni Mansueto Velasco sa Atlanta 1996. May tatlong tanso ang Pilipinas galing kay Jose Villanueva na ama ni Anthony noong Los Angeles 1932, Leopoldo Serantes sa Seoul 1988 at Roel Velasco na kuya ni Mansueto sa Barcelona 1992. Mapapanood ng live ang pulong balitaan sa pahina ng Facebook ng PSA at ng Radyo Pilipinas Dos.2 simula 10:00 ng umaga.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.