top of page
Search
  • BULGAR

Promo fares ng PAL ngayong August 2020 hanggang May 2021, alamin!

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 12, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Inanunsiyo ng Philippine Airlines (PAL) na magkakaroon sila ng promotional fares na P388 one-way tickets sa domestic trips simula sa Agosto ngayong taon hanggang sa May 2021.


Ang promo ay magsisimula ngayong Lunes, July 13 hanggang sa susunod na Linggo, July 19, 2020. Available ang promotional fares sa official website ng PAL.


Samantala, ipinaalala ng PAL ang mga strict health safety measures na kanilang ipinapatupad upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na Covid-19 katulad ng pagsasailalom sa thermal scanning bago pumasok sa ticket office. Ang mga walang suot na face mask ay hindi maaaring pumasok. Mahigpit ding ipinatutupad nag social distancing maging sa loob ng ticketing office. Lahat din ng staff ng PAL ay required magsuot ng face mask. Mayroon ding transparent barriers ang counter.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page