Search
  • BULGAR

Pro-league na ang Chooks Pilipinas 3x3

ni Anthony Servinio - @Sports | July 31, 2020




Nagbago bigla ang mukha ng Basketball sa Pilipinas matapos ihayag ng Chooks To Go Pilipinas 3X3 na simula ngayon ay isa na silang ligang propesyonal na nasa ilalim ng Games and Amusements (GAB). Ang makasaysayang desisyon ay pinatibay nina Commissioner Eric Altamirano at GAB Chairman Abraham Mitra sa isang payak na lagdaan noong Miyerkules ng hapon.


Malaking hakbang ito para sa liga na tinatag lamang noong nakaraang taon. “We were already thinking of turning pro last year because we noticed in our games abroad that other countries professionalized their leagues therefore doing the same will help us become dominant in 3X3,” wika ni Commissioner Altamirano.


This was a long process, we looked at the league’s technical and financial capability,” dagdag ni Chairman Mitra. “Maganda ang protocols na pinadala ng Chooks so they can now start practicing.


Pinaalala ni Chairman sa mga manlalaro na may kasamang responsibilidad ang pagiging isang propesyonal na atleta at dapat kumilos ng naaayon lalo na sa publiko. Hindi magdadalawang isip ang GAB na gamitin ang kanilang mandato na pagsabihan o parusahan ang sino mang lalabag sa mga alituntunin.


“Pretty cool, this is definitely a step in the right direction,” wika ni Joshua Munzon, ang numero unong manlalaro ng 3X3 ng bansa. “We will keep on improving every time we step on the court.


Napipisil na magbubukas ang liga ngayong ikatlong linggo ng Setyembre sa Inspire Sports Academy sa Calamba City, Laguna. Gagayahin ang modelo ng NBA at WNBA kung saan mananatili ang lahat sa loob ng paaralan habang tumatakbo ang torneo at susuriin ang lahat mula sa mga atleta hanggang sa mga staff pati na rin ang mga kawani ng telebisyon at media.


Pinaplantsa pa ni Commissioner Altamirano ang listahan ng 12 koponan na lalahok. Sisikapin ng liga na magdaos ng tatlong conference at kung bubuti ang sitwasyon, hindi malayo na mag-imbita sila ng mga banyagang koponan.


Maliban kay Munzon, lahat ng mga bituin ng 3X3 ay mapapabilang sa Pilipinas 3X3 tulad nina Alvin Pasaol, Leonard Santillan, Karl Dehesa, Dylan Ababou, Chris de Chavez, Franky Johnson, Troy Rike, Ryan Monteclaro, Jaypee Belencion, Gabriel Banal at Leo de Vera. Sa tulong ng Chooks To Go, umakyat ng umakyat ang FIBA 3X3 Rank ng Pilipinas hanggang naging sapat ito para maimbita sa FIBA 3X3 Olympic Qualifying Tournament sa Graz, Austria sa Mayo, 2021.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.