top of page
Search
  • BULGAR

PNP musician, tinugtugan ang mga LSI na nasa stadium

ni Thea Janica Teh | July 27, 2020



Nagpadala ang Philippine National Police ng police band para magbigay-aliw sa mga locally stranded individual (LSI) sa Rizal Memorial Sports Complex.


Lubos na kinakatakot ng mga LSI ang sitwasyon nila sa Rizal Memorial Sports Complex

dahil sa dami ng tao at hindi na naisasagawa ang social distancing. Halos 7,500 LSI ang

naghihintay ng biyahe pauwi sa kanilang probinsiya sa ilalim ng programa ng gobyerno na Hatid Tulong.


Kaya naman bilang tugon sa takot na nararamdaman ng mga LSI ay nagpadala ang PNP ng musician na nakadagdag pa sa dami ng tao sa stadium. Para maiwasan ang pagkalat ng virus, kinakailangan na magsuot ng mask at para mapatugtog ng mga musician ang

kanilang instrument, kinakailangan na tanggalin muna nila ang kanilang mask.


Ayon sa mga nakarinig, kanta ni Mr. Rey Valera ang tinugtog ng banda.


Karamihan ng LSI ay natulog na lamang sa mga street dahil puno na ang stadium.


Sa ngayon, nakapagtala na ng 2,008 kaso ng COVID-19 sa mga kapulisan at nakapagtala rin ng 10 namatay.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page