Search
  • BULGAR

Pirma na kailangan tapusin sa hugis “8” na simbolo ng pagyaman, dapat gawin ng misis na taong otso

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| June 23, 2020




KATANUNGAN

  1. Nais kong ipabasa sa inyo ang aking kapalaran. Ako ay ipinanganak noong July 2, 1988, ang mister ko naman ay noong September 11, 1986 at mayroon kaming dalawang anak. Kailan magiging maayos ang pagsasama namin dahil madalas na away-bati pa rin kami hanggang ngayon?

  2. Ako ay nurse pero parang wala pa ring nangyayaring maganda sa career ko, kaya iniisip kong mag-business. Nais kong malaman kung susuwertehin ako sa negosyong bigas at diaper dahil may kaibigan ako na magsu-supply sa akin ng dalawang produktong ito. Gayundin, magkakaroon ba kami ng sariling bahay at may pag-asang yumaman balang araw?

KASAGUTAN

  1. Tugma ang zodiac sign n’yo ng mister mo dahil ang Cancer ay may elementong tubig habang ang Virgo naman ay may elemenong lupa. Ang pagsasama ng lupa at tubig ay itinatalang maunlad at masagana. Ganundin sa aspetong Numerology kung saan ang birth date mong 2 ay tugma rin sa birth date na 11 o 2 din (ang 11 ay 1+1=12) ng iyong mister, na nangangahulugang hindi lang kayo sa Astrology magka-compatible kundi pati sa Numerology.

  2. Ang sinasabi mong malimit pa rin kayong nag-aaway at nagbabati ay masasabing parte ng tipikal na mag-asawang nagmamahalan. Kaya kung ganu’n man ang nangyayari, tiis-tiis at dagdag na unawa muna sa isa’t isa upang magpatuloy ang buo at masayang pamilya habambuhay.

  3. Ang pag-aanalisang walang gaanong magiging problema sa relasyon n’yo ni mister ay madaling kinumpirma ng kaisa-isa, mahaba at malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na ang pagsasama ay hindi lang itatalang matagumpay at maligaya kundi ito ay magiging panghabambuhay na.

  4. Samantala, sa usapang negosyo, kapansin-pansing bukod sa ikaw ay may birth date na 2 sa zodiac sign na Cancer, ikaw din ay nagtataglay ng destiny number na 8 (7+2+1988=1997/ 19+97=116/ 11+6=17/ 1+7=8). Ibig sabihin, likas kang susuwertehin sa anumang negosyong sisimulan mo, tulad ng naiisip mong bigasan o produktong may kaugnayan sa agricultural products.

  5. Ngunit dahil “otso” ang destiny number mo, i-anticipate mong bago makamit ang lubusang tagumpay at ganap na pagyaman, dadaan ka muna sa maraming mga tiisin at paghihirap. Matapos naman nito, ang iyong signature na dalawang initial lang sa simula at okey ang lower loop ang nagsasabing sobrang laki ng pag-asa na umunlad ang buhay n’yo sa pagnenegosyo hanggang sa kusang matupad ang pangarap mong pagkakaroon ng sariling house and lot, higit lalo kung tatapusin mo ang iyong lagda sa medyo mas malaki pang hugis eight (8) na sumisimbolo sa pagyaman at maunlad na pamumuhay.

DAPAT GAWIN

Ayon sa iyong mga datos, Ms. Cancer, tulad ng tipikal na nagiging kapalaran ng Taong Otso, matapos ang mga paghihirap, tiisin at pagsisikap sa buhay, sigurado ang magaganap – matutupad mong lahat ang iyong pangarap, higit lalo ang mga pangarap mo na may kaugnayan sa aspetong pampinansiyal at materyal na bagay, na madali namang kinumpirma ng straight Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay tanda ng "material success" na magsisimulang mangyari sa 2023 sa edad mong 35 pataas.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.