Search
  • BULGAR

'Pinas, minura raw sa post, negang-nega... LEA, NAWALAN NG P10 MILYONG ENDORSEMENT

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | June 26, 2020




May kinalaman kaya ang paghingi ni Lea Salonga ng dispensa sa publiko dahil minura raw nito ang bansang Pilipinas sa hindi pagkakatuloy ng product endorsements niyang worth P10M?


Kamakailan ay naglabas ng saloobin niya si Lea sa mga nangyayari ngayon sa Pilipinas at naging viral ito.


Aniya, “Dear Pilipinas, put*ng i*a, ang hirap mong mahalin!"


Marami ang hindi nagkagusto sa pahayag na ito ng 1991 Tony awardee at may kani-kanyang interpretasyon ang mga netizens sa pahayag na ito ng singer-actress.


Marahil ay naisip din ni Lea na baka makaapekto rin ito sa upcoming show niyang The Voice Teens na eere sa ABS-CBN soon.


Paliwanag ni Lea kaya niya nasabi 'yun, “Regarding the post itself, yes, I stand by every single word I wrote as an expression of my frustration with certain events currently taking place in our country.


“However, contrary to what some of you might believe, I never, not ever, cursed the Philippines.


“To serve her is one of my greatest honors. To be able to hold my head up high and say, ‘Yes, I am Filipino’ representing the hundreds of millions of brethren both here at home and all over the world is a source of pride and pleasure.


“So, to further clarify, I didn’t say p- i- mo, or p- i- ka. If that was what I meant, I would’ve been explicit in my expression.


“My p- i- was aimed at no one in particular, and was used only as an outburst, a cry. My apologies if I hurt your feelings with my choice of words.


“If after following this post, you still decide to cuss me out, you’re well within your right to do so. I totally understand and get that you’re doing it as one tasked to protect our country from anyone that dares to desecrate it. Know though that that was not my intent.”


Samantala, bigla tuloy naming naalala ang kuwentuhan namin ng dalawang kaklase naming taga-advertising agency at may mataas na posisyon sa kumpanyang may hawak ng mga kilalang produkto na ang basis nila sa pagkuha ng endorsers ay depende sa lakas ng followers nito sa social media, may magandang imahe, laging nasusulat sa pahayagan, bukod pa sa background check at kino-consider din ang mga ipino-portray na roles sa mga pelikula at TV series.


Pero may ibang kliyente naman daw na gusto rin ang bad boy image depende sa produkto.


At kapag nasangkot naman sa iskandalo ang endorser ay hindi na ito iniri-renew ng ahensiya.


Going back to Lea ay nagpasalamat naman siya sa mga fans na super-tanggol sa kanya.

“To my fans and friends that have my back, you have no idea the amount of appreciation I hold in my heart for your tireless efforts to explain my side of things. Thank you so much. You will always have my gratitude,” pahayag nito.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.