Search
  • BULGAR

Pinalaya na si KC Montero, 100 iba pang naaresto sa Makati resto-bar

ni Lolet Abania | July 01, 2020


Photo: IG/Makati City Police


Pinalaya na ang higit 100 na naaresto kasama ang aktor na si KC Montero sa Makati resto-bar, ayon kay Police Colonel Oscar Jacildo ng Makati City police chief.


Naaresto ang mga ito dahil sa umano paglabag sa social distancing habang ipinatutupad ang general community quarantine sa Metro Manila.


“May release order na,” sabi ni Jacildo.


Bukod sa mga customer na naaresto, nakasama dito ang may-ari ng resto-bar at mga empleyado nito. Gayundin, ayon sa pulisya ang naturang restoran ay walang permit para magbalik sa operasyon, subalit tumangging magbigay ng pahayag ang may-ari.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.