Search
  • BULGAR

Pinaaabangan pa sa mga fans… BB, GINAWA NANG SERIES ANG PASABOG KAY PIOLO

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 15, 2020




Ipinagpatuloy ni BB Gandanghari sa kanyang YouTube channel ang kontrobersiyal na kuwento niya tungkol kina "David and Jonathan." Hindi pa rin pala tapos ang pagbubulgar niya sa naging "excapades" nila sa Amerika.


Sa Chapter 12 ng pinamagatan niyang Story of Us: David and Jonathan (A #TellAll Book Livestream Event) vlog sa YT, may kasunod pang kuwento si BB sa pinag-uusapang rebelasyon niya tungkol kina Rustom Padilla at Piolo, na sa mga kasunod niyang vlogs ay tuluyan na niyang tinukoy bilang Piolo Pascual.


Kung nasubaybayan ninyo ang kontrobersiyal na kuwento ni BB sa kanyang vlog, you can identify kung sino si David at sino si Jonathan sa mga characters na tinutukoy niya.


"Inihatid ni Jonathan si David sa airport (pauwi ng 'Pinas). Tapos, they were talking on the phone from San Francisco to the airport. So, they were talking intimate conversation. Basically, nagdo-dawn 'yung reality na maaaring hanggang dito na lang, maaaring tapos na, maaaring ano lang, adventure," panimulang kuwento ni BB.


Pero kung ang pagbabasehan naman daw ay ang naging usapan nina David and Jonathan, parang they are trying to reassure each other that they will see each other again.


"And, uh, Jonathan at this point was 'yung full of care and concern, as far as the thing that he was saying and also verbalizing how happy he was about meeting David," esplika ni BB.


So, nu'ng malapit na raw si David sa 'Pinas, sinabi niya kay Jonathan na kailangan na nilang tapusin ang pag-uusap sa telepono. At doon tinanong daw ni Jonathan si David kung magkikita ba sila sa Manila.


"Ang katotohanan, David was.... gusto niyang sabihin na 'oo,' pero unti-unting nagki-creep-in 'yung takot, because of course, Manila will be a different story. Napo-foresee na ni David 'yun.


"But then again, he said, 'Of course. Got your number. I have your number. We'll call each other.' And then, Jonathan said, 'Okay, sige. Ingat ka. And I will see you soon.'


"So, David for some reasons was kinda slowly falling. Really appreciating all the attention. At saka sa kabiglaanan siguro or kung anuman, nasabi niya talaga, 'Okay, goodbye. I love you.'


"Sabi ni Jonathan sa kabilang linya, 'Ano'ng sabi mo ulit?' Sabi ni David, 'Uh, wala. Nabigla lang ako. Pasensiya ka na. Nakasanayan,'" kuwento pa ni BB.


Towards the end of her vlog, nagdesisyon na raw si Jonathan na bumalik na rin ng Pilipinas.


Mula sa eroplano, paglapag ni David sa 'Pinas at pagsakay sa kotseng sumundo sa kanya sa airport ay hawak-hawak niya ang kanyang telepono. Nagtatalo raw kasi ang isip ni David kung ite-text or tatawagan niya si Jonathan para ipaalam na nasa 'Pinas na siya.


Hanggang sa tumunog ang cellphone ni David habang hawak ito sa loob ng kotse. Dito na pinutol ni BB ang kanyang kuwento at pinaaabangan sa kanyang mga viewers ang next vlog niya tungkol kina David at Jonathan.


Aysus! At series pala talaga 'to, 'noh? At puwedeng i-level sa mga BL (boy love) series na naglalabasan ngayon sa online.


Kung BL series ang kuwento nina David at Jonathan, ano kaya ang puwedeng maging titulo nito?


Any suggestions, please?

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.