Search
  • BULGAR

Patuloy ang pag-aalboroto ng Mt. Kanlaon, sumasabay pa sa krisis!

ni Ka Ambo - @Bistado | June 28, 2020



Dawit ang Pilipinas sa isyu ng pagkabangkarote ng dambuhalang financial corporation sa Europa.


Sa Maynila raw tumakbo ang COO at dalawang pinakamalaking bangko sa bansa ang nadamay sa kontrobersiya!


◘◘◘


Sumabit din sa financial scam ang pangalan ng dating DITC executive.


Sinasabing may dyowang Pinay daw ang wanted na COO!


◘◘◘


Sumasabit ang ‘Pinas sa financial scam dahil ang mga raket na ito ay may kaugnayan sa international gambling operations.


Tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


Nag-aalboroto ang Mt. Kanlaon.


Huwag kang makisabay sa krisis, plis lang!


◘◘◘


Inaresto ang mga nagpoprotestang LGBT.


Eh, bakit ayaw ninyong manahimik sa inyong bahay?


◘◘◘


Nagdududa na ang ilang mamamayan.


Bakit daw sila ini-lockdown, eh, wala silang personal na kakilala na tinamaan o nagkasakit ng COVID-19.


Bakit daw sila inalisan ng kabuhayan?


◘◘◘


Kung may sakit daw ang tao, i-lockdown lang ang bloke o barangay na kanyang tinirhan.


Huwag idamay ang ekonomiya ng buong bansa!


◘◘◘


Ano kaya ang itsura ng Pasko sa Disyembre?


Ang Christmas Tree ay tuyot.


Ang tulis ng estrelya ng parol ay may korona.


Ang sanggol sa sabsaban ay naka-facemask!


◘◘◘


Kung nakaranas tayo ng pagkansela ng iskul at banal na misa, tiyak na wala ring mga Christmas party, caroling at bawal mamasko.


Mauuna ang Todos Los Santos, baka pagbawalan na rin ang maramihang pagdalaw sa puntod ng mga yumao.


Pati patay na nadamay na rin!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.