Search
  • BULGAR

Pati pagkain, sagot ng aktor…

ENCHONG, IPINAGSIGAWANG WALANG TINANGGAL NI ISANG EMPLEYADO NU'NG LOCKDOWN

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | June 27, 2020




Masyado naming appreciated ang mga ‘Boss’ o may-ari ng kumpanya na hindi nagtanggal ng kanilang mga empleyado sa panahon ng COVID-19 pandemic kahit na gipit din sila dahil ang katwiran nila ay ang mga taong ito ang tumulong sa kanila para mapalago ang negosyo nila kahit na pera pa nila ang ipinuhunan nila.


Oo nga naman, hindi naman aandar ang pera lang kung walang mga empleyadong katuwang ng boss na magpatakbo nito.


Puwede naman kasing kausapin na mag-meet halfway sa suweldo kaysa totally tanggalin sila sa trabaho, eh, wala namang mapapasukan sa panahon ng pandemic.

At isa si Enchong Dee sa mga hinahangaan namin dahil inamin niyang ni isang staff ng pag-aari nilang restaurant ay wala siyang tinanggal sa panahon ng lockdown.


Base sa post ni Enchong sa kanyang Instagram, “I’m proud to announce that all our employees in our branches of @pericharcoalph are healthy and safe. Our company did not lay off a single employee as we know how hard it is to be unemployed at this time of uncertainty.”


At dahil limitado ang dine-in sa mga restaurants base sa utos ng gobyerno ay open naman ang aktor/restaurateur sa catering services.


Aniya, “To any companies around the Metro looking for an everyday catering/delivery of food, let’s meet in person and we are ready to provide fresh meals for you.”


Heto pa, halos katabing bahay lang namin ang ipinagagawang 5-storey building ni Enchong at lahat ng trabahador niyang inabutan ng lockdown ay naroon at hindi namroblema sa pagkain dahil nakikita naming nagluluto sila sa loob at nakakabili sila sa palengke na katabi lang din. Kaya ibig sabihin, binibigyan sila ng budget sa mga pangangailangan nila ng aktor.


Kaya hindi sila kasama sa mga napapanood sa news na nanghihingi ng tulong sa kalsada.


Mabuhay ka, Enchong Dee! Sana, tularan ka ng ibang negosyante.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.