Search
  • BULGAR

Pasado naman sa pamilya…RITZ, UMAMING WALANG LIGAWAN SA KANILA NG PAKAKASALANG BUSINESSMAN

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | June 30, 2020




Kung may bakuna na para sa COVID-19 ay plano ni Ritz Azul at ng fiancé niyang si Allan Guwi na next year na magpakasal para safe ang lahat ng dadalong bisita.


Nitong Hunyo 20, nag-propose si Allan kay Ritz at inamin ng dalaga na plano nilang magpakasal na hindi lang binanggit kung ano'ng buwan.


Base sa tsikahan namin ng aktres, “Gusto sana namin next year. God willing. Depende pa po sa mga pangyayari.”


Ang agam-agam nina Ritz at Allan ay ang COVID-19 pandemic kung hanggang kailan ito lalo’t wala pang bakuna.


Ang concern kasi nina Allan at Ritz ay ang mga bisita nilang dadalo sa kasal dahil gusto nilang lahat ng mga malalapit na kaibigan at buong pamilya ay saksihan ang kanilang pag-iisang-dibdib. Eh, paano, hindi ba’t limitado ang bilang ng panauhin sa loob ng simbahan at gayun din sa reception?


Oo nga naman, minsan lang silang ikakasal, eh, di sulitin na.


“Sana, maayos na po ang lahat,” saad pa ni Rtiz.


Ang mapapangasawa ni Ritz ang una at huli niyang boyfriend dahil ito ang kabilin-bilinan ng ama niya na kapag nagkaroon siya ng karelasyon ay ito na rin ang dapat niyang makatuluyan na ipinanalangin talaga niya.


Kuwento ni Ritz, “'Di po kasi kami nagkaroon ng bf-gf label. Basta alam namin sa isa’t isa na wala kaming kinikitang iba.”


Matagal na palang kakilala ni Ritz ang fiancé niya at kilala rin ng magulang niya pero walang ligawang nangyari pero magkasundo sila sa lahat ng bagay-bagay.


Kaya pala sa finale presscon ng Los Bastardos ay hindi maamin ng dalaga na may boyfriend siya pero inamin niyang may lalaking nagpapasaya sa kanya at dumadalaw sa set ng serye nila, eh, noo’y itinutukso siya kay Joseph Marco na may girlfriend na.


Ang mapapangasawa ni Ritz ay nagpapatakbo ng family business nila na involved sa foreign exchange.


Sa ngayon ay walang project si Ritz sa ABS-CBN dahil ang gag show na Banana Sundae ay tinapos na, na una nang inianunsiyo ni Angelica Panganiban sa kanyang Instagram account noong Hunyo 1.


“As of now, wala po akong project, eh. Nagri-replay lang ang Banana Sundae sa ABS, saka may nai-shoot kami dati na Banana Sundae na inilalabas ngayon sa online show ng ABS,” sabi ng aktres.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.