top of page
Search
  • BULGAR

Partylist ng mga trapo nagwagi, marami talagang bobo-tante, tsk!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 19, 2022


PATI SA PAGBOTO SA PARTYLIST, DAMING BOBO-TANTE – Siyam na partylist na nire-represent ng mga pamilya ng mga trapo (traditional politicians) ang nagwagi nitong nakalipas na halalan.


Nakakalungkot isipin na nangyayari ang ganyan sa Pilipinas, na ang mga nagwawagi sa halalan ay ang partylist ng mga trapo, at natatalo ang mga partylist na nagre-represent sa iba’t ibang sektor ng lipunan.


Patunay 'yan na napakaraming bobo-tante sa Pinas!


◘◘◘


TAPOS NA ELEKSYON AYAW PA RIN LUBAYAN NG FAKE NEWS SI VP LENI – Lumabas sa imbestigasyon ng Cebu Pacific Airlines na fake news lang ang pinost sa social media ng kanilang piloto na si Van Ranoa na nag-request daw ng priority landing sa NAIA (Ninoy Aquino International Airport) ang Bise Presidente, at dahil dito ay nag-sorry ang airlines kay VP Leni.


Hay naku, tapos na nga ang eleksyon natalo na si VP Leni pero ayaw pa rin siyang lubayan ng mga nagpapakalat ng fake news, tsk!


◘◘◘


BIR ATRAS SA PAGPAPASARA SA MEGAWORLD NI ANDREW TAN – Kamakalawa (May 17, 2022) ay ipinagbigay-alam ng BIR (Bureau of Internal Revenue) sa publiko na ipapasara nila ang Megaworld Corporation na pag-aari ni Andrew Tan dahil sa tax case, pero kahapon (May 18) ay nagpalabas ng press release ang BIR na hindi na raw nila ipa-padlock ang kumpanya. Walang ibinigay na kumpletong detalye, basta ang sabi ng BIR, hindi na nila ipapasara ang Megaworld.


'Yan ang BIR, laban-bawi sa pagpapasara sa Megaworld, boom!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page