top of page
Search
  • BULGAR

Paraan para matutong rumespeto ang bata maging sa gamit ng iba

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | July 10, 2020




Ang pagtuturo sa bata ng magandang ugali at kahalagahan ng pagrespeto sa ibang tao maging sa kagamitan ng iba habang nasa kamusmusan pa sila ay hindi pa nakauunawa ng mga dapat gawin. Ang matulungan ang bata na maisip na maingatan ang sariling gamit ay tulad din ng kahalagahan sa pagrespeto sa pag-aari ng iba ay kailangang maging matiyaga lamang at panaka-nakang mamulat siya sa naturang prinsipyo.

1. Paupuin ang bata at mag-usap hinggil sa ugali kung paanong ang personal na pag-aaral ay napakahalaga para sa isang may-ari nito. Gumamit ng mga termino at mga salita na angkop para maintindihan ng bata na ayon sa kanyang edad at antas ng pang-unawa niya. Halimbawa, ipaliwanag sa isang paslit ang halaga ng paboritong laruan kung ano ang kanilang mararamdaman sakaling may mangyari man sa kanilang paboritong laruan. Gumamit ng halimbawa para mabigyang diin ang ideya ng personal na pag-aari.

2. Hayaang mai-drawing o maisulat niya ang mga bagay na kanyang paborito tulad ng laruan at stuffed toys. Rebyuhin isa-isa ang listahan sa harapan ng bata at saka siya tanungin kung ano ang kanyang mararamdaman kung ang kanyang paboritong laruan ay nawala, ninakaw o nasira. Ipaliwanag sa kanya na ang pagmamahal sa naturang bagay ay pareho rin sa iba pang tao. Sabihin sa bata na ang ibang kalaro niya, at ibang tao ay may paborito ring mga items at malulungkot sila kung ang bagay na gusto niya ay nasira o winasak ng iba.

3. Sabihin sa bata na bago pa siya magpunta sa ibang kuwarto para makipaglaro o magtungo sa mga pinsan niya ay dapat siyang umayos at maging marespeto sa mga bagay na pag-aari ng iba. Ilibot ang bata sa buong bahay, habang itinuturo sa kanya ang mga kagamitan na dapat niyang ingatan na hindi masira at mabasag. Ipaalala rin sa kanya na ang pagsira o pagkawasak niya ng ibang bagay maging ang makasakit sa ibang bata ay isang masamang ugali.

4. Ipakita sa bata ang paboritong bagay at ipaliwanag kung gaano ka kalungkot, galit o masasaktan kapag may nangyari sa iyong mga gamit. Hayaan na ang likas na inyong pagkakasundo ay isang paraan para matulungan siya na maihayag ang sakit na nararamdaman ng iba kapag mayroong nasira o nawalang gamit dahil sa masama niyang ginawa.

5. Sa pagrespeto sa kapwa, kailangan ng magulang na magsimula kung paano rumespeto sa ibang tao maging sa sarili. Kailangang magamit mo bilang magulang ang kakayanan para maging epektibo ang pagtuturo.

6. Bilang magulang, ipakita sa bata kung paano ka rumespeto sa iba, kahit na hindi ka nirerespeto ng ibang tao ay ipakita pa rin sa mga anak kung paano ka nagsisikap na magturo na rumespeto sa iba. Kung binabastos ka ng ibang tao, layuan na lang ang mga ito at talikuran. Huwag aksayahin ang araw o panahon sa mga taong nambabastos maging sa iyong pamilya. Napakaraming tao sa mundo at hindi lang sila. Huwag hayaan ang sarili na maging magagalitin, matampuhin o nalulungkot kung anuman ang marinig na salita sa ibang tao. Mahirap iwasan ito, pero kung ang iyong layunin ay maturuan ang mga bata na rumespeto sa iba, respetuhin mo muna ang iba.

7. Maging mabuting halimbawa ka. Ang salitang “Gawin mo kung ano ang sinasabi ko” ay dapat maging gintong aral sa kanya. Awtomatikong gagawin ng mga bata ang kanilang matututunan, pero ‘yan ay hindi lang dapat sa salita lang. Napapansin nila ang matatanda sa paligid nila kaya gagayahin din nila ang mga ito.

8. Makinig nang mabuti sa sinasabi ng bata. Trabaho mo bilang magulang na palakihin sila sa pinakamagandang mundo na gusto mo. Kapag nagsalita ang bata, makinig nang mabuti. Huwag siyang sigawan, insultuhin at sasaktan. Kapag nahaharap sa ganitong ugali ang bata, natututunan nila na ang ugaling ito ay katanggap-tanggap. Ipaalam din sa bata ang mga hindi katanggap-tanggap na salitang lumalabas sa kanyang bibig.

9. Ipadama sa bata na siya ang pinakamahalagang bagay sa mundo mo. Kapag ramdam ng bata kung paano ka mag-alaga, matututo rin silang mag-alaga. Wala nang pinakamahalaga na mabigyan ang mga bata na hindi nahahati ang atensiyon na kailangan nila. Kalaunan, sila na rin ang bahala sa kanilang sarili bago mo pa malaman. Sa ngayon, ipadama sa kanila na numero uno sila at matutunan ang respeto sa iba. Matuto silang maging mapagmahal at maging tagapakinig at kung paano pumili ng mga kaibigan na mabait sa kanila.

10. Walang ibang puwedeng magamit na salita para maturuan ang bata na respetuhin ang iba. Matututunan nila ang respeto mula sa galaw ng nakatatanda lalo na ang mga magulang at iba pang nakatatanda na close sa kanila. Lagi silang respetuhin at bagama’t ang bata ay may tantrums at matampuhin, at least, matuto silang gumalang sa iba.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page